pambabalaj.
18 Jan
minsan naiisip ko kung bakit patuloy akong nakikihalubilo sa mga taong wlang ginawa kundi manggulo sa mundo ko. ngunit sa patuloy na pagmumuni muni napagtanto qng di ganito kakulay ang aking mundo kung wla clang mga pilit na humuhila sa akin pababa. marahil ay wla lng clang magawa, tulad ko. o malamang ay inggit lng sila sa kagandahan at talento ko. wahaha. kaya ang post na ito ay alay ko sa kanila. at oo, mahal ko kau kahit na alam kong pang mental ospital ang pagiisip nyo.
pamela wan ( two at three)
mula’t sapul ay di na kami nagkasundo ng babaeng ito. di ko nga maalala kung san nagsimula ang lahat. siguro nga ay bunga ito ng aming pagkakasunod. kc nman ang mga magulang ko di ata marunong magfamily planning kaya eto: we’re stuck with each other. noon pa man ay sya na ang bida sa bahay, kahit pa na ito ay dahil sa sya ay isang dakilang pasaway at pala-away. panaglihi ata sa world war 2. kaya aun, kung magisip ay parang nasa gyera. madalas rn kaming magsabunutan nun…sa mga kadalihanang may gusto syang nasa akin pero ayaw kong ibigay atbp. naaalala ko pa nga nung nanalo ako sa spelling bee kung saan naging magkatunggali kami. kala ko ay papalipasin lng nya ito. ngunit hindi. gumawa ng malaking gulo ang bruha at sa huli ay binilhan sya ng something kasi nga may prize ako. kumusta nman un? lately, ay di ko na sya masyadong pinapansin. may sarili na akong buhay…malayo sa kanya…malayo sa kanilang lahat. akala ko ay titigil na ang negative vibes na galing sa kanya. pero hindi. ang laki kc ng galit nya sa mundo, sa akin, sa aming ina at ama. pero marahil ay di gnun ang pait na nadarama nya kung natutunan lng nyang laruin ang laro ng anak at magulang..kung di nya muna pinairal ang pagiging ‘im angry at you bcos ur chuva… echus at echus’ kc sa huli ay sya pa rin ang lugi. ang power ay nasa aming mga magulang…kaya kung pasaway k eh good luck na lng. kahit anong gawin nya forever na kaming nakatali sa kanila. kung minsan ay nagkakasundo rin nman kmi na duda ko ay dahil sa plastican. pero cge, go…keri lng. kaya lng ang di ko nagugustuhan ay yung parang kinokontra nya ako…at patalikod pa kung tumira. ano b ang gnawa q sa kanya at gnun na lng ang galit nya? dahil ba nasa up ako? dahil ba open ako kung ano ang gusto ko at nais matutunan? well, di ko na kasalanan un. ginagaw nya kong palaging reference point eh…meron bang i like this chuva music coz it has no screams etc (translate: coz my sister likes this kind of music). hay. cguro im reading between the lines na rn pero meron pang isa. narinig ko silang naguusap ng isang kapatid ko na in all sense ay talaga nmang mas close sila. ang pinaguusapan nila ay ang aking interes sa photography. sabi pa nya, ung kaibigan raw nya magaling at magaganda ang mga kuha, ala-propesyonal di tulad kay ate na napaka-feeling as if nman magaganda ang kuha ko. well. totoo naman. d nga ako magaling dahil ang pinahayag ko lng nman ay interesado ako sa photography. at ibang uri ng photography ang gusto q compared sa kaibigan nya. ang nkakatawa lng eh bakit kailangan pa nya manggamit ng ibang tao? dahil ba sa hindi nya ako malalamangan hangga’t di sya gumagamit ng ibang tao? sigh. nakakalungkot na nakakaawa talaga.
to be continued….

No comments yet