repost:

2 Feb

pambabalaj.

minsan
naiisip ko kung bakit patuloy akong nakikihalubilo sa mga taong wlang
ginawa kundi manggulo sa mundo ko. ngunit sa patuloy na pagmumuni muni
napagtanto qng di ganito kakulay ang aking mundo kung wla clang mga
pilit na humuhila sa akin pababa. marahil ay wla lng clang magawa,
tulad ko. o malamang ay inggit lng sila sa kagandahan at talento ko.
wahaha. kaya ang post na ito ay alay ko sa kanila. at oo, mahal ko kau
kahit na alam kong pang mental ospital ang pagiisip nyo.

pamela wan ( two at three)
mula’t
sapul ay di na kami nagkasundo ng babaeng ito. di ko nga maalala kung
san nagsimula ang lahat. siguro nga ay bunga ito ng aming pagkakasunod.
kc nman ang mga magulang ko di ata marunong magfamily planning kaya
eto: we’re stuck with each other. noon pa man ay sya na ang bida sa
bahay, kahit pa na ito ay dahil sa sya ay isang dakilang pasaway at
pala-away. panaglihi ata sa world war 2. kaya aun, kung magisip ay
parang nasa gyera. madalas rn kaming magsabunutan nun…sa mga
kadalihanang may gusto syang nasa akin pero ayaw kong ibigay atbp. 
naaalala ko pa nga nung nanalo ako sa spelling bee kung saan naging
magkatunggali kami. kala ko ay papalipasin lng nya ito. ngunit hindi.
gumawa ng malaking gulo ang bruha at sa huli ay binilhan sya ng
something kasi nga may prize ako. kumusta nman un?

lately, ay di ko na
sya masyadong pinapansin. may sarili na akong buhay…malayo sa
kanya…malayo sa kanilang lahat. akala ko ay titigil na ang negative
vibes na galing sa kanya. pero hindi. ang laki kc ng galit nya sa
mundo, sa akin, sa aming ina at ama. pero marahil ay di gnun ang pait
na nadarama nya kung natutunan lng nyang laruin ang laro ng anak at
magulang..kung di nya muna pinairal ang pagiging ‘im angry at you bcos
ur chuva… echus at echus’ kc sa huli ay sya pa rin ang lugi. ang
power ay nasa aming mga magulang…kaya kung pasaway k eh good luck na
lng.

kahit anong gawin nya forever na kaming nakatali sa kanila. kung
minsan ay nagkakasundo rin nman kmi na duda ko ay dahil sa plastican.
pero cge, go…keri lng. kaya lng ang di ko nagugustuhan ay yung parang
kinokontra nya ako…at patalikod pa kung tumira. ano b ang gnawa q sa
kanya at gnun na lng ang galit nya? dahil ba nasa up ako? dahil ba open
ako kung ano ang gusto ko at nais matutunan? well, di ko na kasalanan
un. ginagaw nya kong palaging reference point eh…meron bang i like
this chuva music coz it has no screams etc
(translate: coz my sister likes this kind of music). hay. cguro im
reading between the lines na rn pero meron pang isa. narinig ko silang
naguusap ng isang kapatid ko na in all sense ay talaga nmang mas close
sila. ang pinaguusapan nila ay ang aking interes sa photography.  sabi
pa nya, ung kaibigan raw nya magaling at magaganda ang mga kuha,
ala-propesyonal di tulad kay ate na napaka-feeling as if nman magaganda
ang kuha ko. well. totoo naman. d nga ako magaling dahil ang pinahayag
ko lng nman ay interesado ako sa photography. at ibang uri ng
photography ang gusto q compared sa kaibigan nya. ang nkakatawa lng eh
bakit kailangan pa nya manggamit ng ibang tao? dahil ba sa hindi nya
ako malalamangan hangga’t di sya gumagamit ng ibang tao? sigh.
nakakalungkot na nakakaawa talaga.

bagama’t di ako palakaibigan, sinikap ko rin namang kaibiganin sya,
pero tila sirado na ang utak nya. di ko alam san nanggaling ang mxdong
nega na feelings nya. hahay. siguro nga ay di talaga kami magkakasundo.
magkapatid. magkatunggali. ilan na nga ba ang tulad nmin? di na rin
mabilang.

No comments yet

Leave a Reply

Comment moderation is enabled. Your comment may take some time to appear.